Mag-isa akong nakaupo sa labas ng isang kilalang fastfood restawran nang biglang kong marinig ang tawag ng kalikasan. Hindi ko pinansin sapagkat hindi pa iyon ang tamang oras. Kaya ayon 1 missed call. Pagkaraan ng ilang minuto ay narinig ko na naman ang tawag. Dapat ko na iyong intindihin dahil naalarma na ang aking utak pati ang tumbong ko. Tumayo ako at patakbong pinuntahan ang pinakamalapit na palikuran. Sinilip ko ang aking bag, wala pala akong tisyu. Naku lagot! Lumabas ako at may nakitang automated machine na nagluluwal ng tisyu sa halagang limang piso. Naghagilap ako kaagad ng barya sa aking pitaka. Nahampas ko ang makina nang malaman kong wala akong buong limang piso. Tila akong pipi na nagmura nang ilang beses. Naramdaman ko ang pagtulo ng aking malamig na pawis at pagngatal ng aking mga tuhod. Kailangan ko nang masagot ang tawag ng kalikasan. Ngunit paano? Wala pang bukas na tindahan ni walang janitor para makahiram ng timba at tabo. Nakakahiya naman humingi ng tisyu mula sa mga kumakaing kustomer sa loob ng restawran.
Hindi ko na talaga mapigilan kaya ayon pumasok ako ng kubeta na hindi dala ang pangunahing armas. Nagsimula na ko maghasik ng lagim at inalala ko ang mga paraang ginamit ng aking mga kaibigan sa ganitong di kaaya-ayang sitwasyon.
1. Kodigo
E sa hindi ko napigilan? Kapag ang kalikasan na ang nagpasya, wala ka nang magagawa. Kaya ayon, dinukot ko ang kagagamit ko lang na kodigo sa matematika at siyang pinampunas sa… alam mo na. Anong nakakadiri do’n? Natural lang talaga ‘yon.
Wala akong kodigo dahil hindi ko naman gawain iyon. Naghagilap ako ng papel sa loob ng bag ngunit ang tanging nakita ko lamang ay ang panghuling kopya ng aming thesis na ipapasa mismo sa araw na iyon. Natukso akong punitin ang pangunahin at panghuling pahina ngunit naalala kong malalagot ako sa mga kagrupo ko. Ibinalik ko ang papel sa bag at nag-isip ng ibang paraan.
2. Pera ni Manuel
Pumasok ako ng kubeta nang hindi handa. Walang tubig ni tisyu sa loob. Naghagilap ako ng pwedeng gamitin. Di sadyang naihulog ko ang aking pitaka at pinulot iyon. Nakaisip ako ng magandang ideya. Sa maniwala ka’t sa hindi, ginamit ko ang nag-iisa kong dalawpung pisong papel. Medyo matigas at magaspang ngunit nakatulong talaga. Nakakadiri nga ‘yon ngunit mas nakakadiri pag lumabas kang walang… kuha mo?
Napangiwi ako ngunit sinilip ko pa rin ang aking pitaka at bumungad sa akin ang mukha ng yumaong si Pangulong Manuel L. Quezon. Ano kaya ang magiging reaksyon ng buong taumbayan kapag nakita nilang may bahid nang kaberdehan o kadilawan o kaitiman ang mukha ng tinaguriang Ama ng Wika? Kawalan naman yata ng paggalang ang ganoon. At isa pa, ayokong ipahid sa aking tumbong ang perang pinagpasa-pasa ng ilang libong mamamayang Pilipino. Napabuntong-hininga ako. Dapat akong mag-isip ng ibang paraan.
3. Call-a-Friend
Wala sa kondisyon ang aking tiyan. Naupo ako kaagad sa pampublikong kubeta. Wala akong tisyu at wala akong mahingan ng agarang tulong sa mga oras na iyon. Ang naisip ko lamang paraan ay tawagan ang lahat ng kaibigan sa celpon ko. Sa sampung tinawagan ay dalawa lamang ang sumagot. Mahigit isang oras din akong naghintay sa loob kubeta. Naaamoy na ng mga taong pumapasok ang isiniklab kong baho ngunit wala akong pakialam. Ang nasa isip ko lamang ay ang makalabas sa bangungot na iyon. Pagkaraan ng halos dalawang oras ay may naghagis din sa wakas ng tisyu. Mula iyon sa kaibigan kong hindi na magawang lumapit dahil sa umaalingasaw na amoy.
Kinuha ko ang aking celpon. Naku walang signal. Napamura ako. Nagsabog ng kamalasan sa araw na iyon, lahat sinalo ko na. Kung maaari ko lang tawagin ang mga kaibigan ko sa pamamagitan ng aking utak, ligtas na sana ako.
4. Payb Pingers
Napanood ko sa isang pelikula. Pwede mo pa lang gamitin ang mga daliri mo kapag wala na talagang ibang paraan. Marami ka pang pagpipilian – hintuturo, hinlalaki, hinliliit… Kung gusto mo, pwede mong pagsabayin ang dalawa, ang tatlo o lahat na! Iyan kung kaya mo.
Tinitigan ko ang aking limang daliri. Medyo maliliit ngunit pupuwede na. Hindi naman siguro mortal na kasalanan ang kalikutin ang sariling tumbong. Wala pa ring naiulat na namatay dahil doon. Napabuntong hininga ulit ako. Lahat nang mga ito ay kahangalan ngunit magliligtas sa akin mula sa bombang pinasabog ko. Hindi ko na inalala pa ang ilang kahangalan na ginawa ng mga loko kong kaibigan.
Pinagpapawisan na ako at nangangalay na ang aking tumbong. Wala bang magliligtas sa akin? Alas siyete na ng umaga, baka may mga tao nang papasok. Nagulat ako bigla nang may kumatok sa pinto. Hindi ako sumagot. Dapat walang makaalam na nandito ako. Nagpatuloy ang malakas na pagkatok. Ang janitor kaya ito o minumulto na ako? Sasagot na sana ako nang biglang magsalita ang isang babae. “Ayos ka lang? E kasi napansin ko kanina ka pa dito.” Hindi ko alam ang isasagot. Sumilip ako sa ilalim ng pinto at nakita ko ang pulang mga sapatos. Naalala ko ang may-ari no’n – ang magandang babaeng katabi ko kanina sa labas ng restawran. Nagpatuloy siya sa pagsasalita, “Nakita kita kaninang problemado nang hindi ka makakuha ng tisyu sa automachine. Huwag mong mamasamain pero kailangan mo ba ng tisyu? May isang pakete ako dito.”
Natampal ko aking noo. Nakakahiya. Ang tanging naisagot ko lamang ay malaking OO. Iniabot ng babae ang tisyu sa ilalim at dali-daling kong kinuha. Mabilis pa ko sa alas kuwatrong nalinis ang dapat linisin. Lumabas kaagad ako upang humingi ng alkohol ay este upang pasalamatan ang babae ngunit bigla siyang nawala. Bumalik ako sa labas ng restawran kung saan una ko siyang nakita ngunit wala na siya doon. Tinitigan ko na lamang ang natirang tisyu at inamoy iyon. Amoy rosas. Kung ganoon amoy rosas din ang aking tumbong. Napatawa ako. Hindi ko aakalaing ililigtas ako ng magandang dalagang iyon.
Hanggang ngayon nasa akin pa rin ang supot ng tisyu. Sana magkita kami muli.
Hindi ko na talaga mapigilan kaya ayon pumasok ako ng kubeta na hindi dala ang pangunahing armas. Nagsimula na ko maghasik ng lagim at inalala ko ang mga paraang ginamit ng aking mga kaibigan sa ganitong di kaaya-ayang sitwasyon.
1. Kodigo
E sa hindi ko napigilan? Kapag ang kalikasan na ang nagpasya, wala ka nang magagawa. Kaya ayon, dinukot ko ang kagagamit ko lang na kodigo sa matematika at siyang pinampunas sa… alam mo na. Anong nakakadiri do’n? Natural lang talaga ‘yon.
Wala akong kodigo dahil hindi ko naman gawain iyon. Naghagilap ako ng papel sa loob ng bag ngunit ang tanging nakita ko lamang ay ang panghuling kopya ng aming thesis na ipapasa mismo sa araw na iyon. Natukso akong punitin ang pangunahin at panghuling pahina ngunit naalala kong malalagot ako sa mga kagrupo ko. Ibinalik ko ang papel sa bag at nag-isip ng ibang paraan.
2. Pera ni Manuel
Pumasok ako ng kubeta nang hindi handa. Walang tubig ni tisyu sa loob. Naghagilap ako ng pwedeng gamitin. Di sadyang naihulog ko ang aking pitaka at pinulot iyon. Nakaisip ako ng magandang ideya. Sa maniwala ka’t sa hindi, ginamit ko ang nag-iisa kong dalawpung pisong papel. Medyo matigas at magaspang ngunit nakatulong talaga. Nakakadiri nga ‘yon ngunit mas nakakadiri pag lumabas kang walang… kuha mo?
Napangiwi ako ngunit sinilip ko pa rin ang aking pitaka at bumungad sa akin ang mukha ng yumaong si Pangulong Manuel L. Quezon. Ano kaya ang magiging reaksyon ng buong taumbayan kapag nakita nilang may bahid nang kaberdehan o kadilawan o kaitiman ang mukha ng tinaguriang Ama ng Wika? Kawalan naman yata ng paggalang ang ganoon. At isa pa, ayokong ipahid sa aking tumbong ang perang pinagpasa-pasa ng ilang libong mamamayang Pilipino. Napabuntong-hininga ako. Dapat akong mag-isip ng ibang paraan.
3. Call-a-Friend
Wala sa kondisyon ang aking tiyan. Naupo ako kaagad sa pampublikong kubeta. Wala akong tisyu at wala akong mahingan ng agarang tulong sa mga oras na iyon. Ang naisip ko lamang paraan ay tawagan ang lahat ng kaibigan sa celpon ko. Sa sampung tinawagan ay dalawa lamang ang sumagot. Mahigit isang oras din akong naghintay sa loob kubeta. Naaamoy na ng mga taong pumapasok ang isiniklab kong baho ngunit wala akong pakialam. Ang nasa isip ko lamang ay ang makalabas sa bangungot na iyon. Pagkaraan ng halos dalawang oras ay may naghagis din sa wakas ng tisyu. Mula iyon sa kaibigan kong hindi na magawang lumapit dahil sa umaalingasaw na amoy.
Kinuha ko ang aking celpon. Naku walang signal. Napamura ako. Nagsabog ng kamalasan sa araw na iyon, lahat sinalo ko na. Kung maaari ko lang tawagin ang mga kaibigan ko sa pamamagitan ng aking utak, ligtas na sana ako.
4. Payb Pingers
Napanood ko sa isang pelikula. Pwede mo pa lang gamitin ang mga daliri mo kapag wala na talagang ibang paraan. Marami ka pang pagpipilian – hintuturo, hinlalaki, hinliliit… Kung gusto mo, pwede mong pagsabayin ang dalawa, ang tatlo o lahat na! Iyan kung kaya mo.
Tinitigan ko ang aking limang daliri. Medyo maliliit ngunit pupuwede na. Hindi naman siguro mortal na kasalanan ang kalikutin ang sariling tumbong. Wala pa ring naiulat na namatay dahil doon. Napabuntong hininga ulit ako. Lahat nang mga ito ay kahangalan ngunit magliligtas sa akin mula sa bombang pinasabog ko. Hindi ko na inalala pa ang ilang kahangalan na ginawa ng mga loko kong kaibigan.
Pinagpapawisan na ako at nangangalay na ang aking tumbong. Wala bang magliligtas sa akin? Alas siyete na ng umaga, baka may mga tao nang papasok. Nagulat ako bigla nang may kumatok sa pinto. Hindi ako sumagot. Dapat walang makaalam na nandito ako. Nagpatuloy ang malakas na pagkatok. Ang janitor kaya ito o minumulto na ako? Sasagot na sana ako nang biglang magsalita ang isang babae. “Ayos ka lang? E kasi napansin ko kanina ka pa dito.” Hindi ko alam ang isasagot. Sumilip ako sa ilalim ng pinto at nakita ko ang pulang mga sapatos. Naalala ko ang may-ari no’n – ang magandang babaeng katabi ko kanina sa labas ng restawran. Nagpatuloy siya sa pagsasalita, “Nakita kita kaninang problemado nang hindi ka makakuha ng tisyu sa automachine. Huwag mong mamasamain pero kailangan mo ba ng tisyu? May isang pakete ako dito.”
![]() |
Pulang mga sapatos... |
Hanggang ngayon nasa akin pa rin ang supot ng tisyu. Sana magkita kami muli.
No comments:
Post a Comment